Sopasarap!

>> Thursday, January 8, 2009

Kay lamig pag umuulan. Sa ganitong panahon napapaisip ako kung ano ang masarap lutuin na may sabaw. Sopas ang unang pumasok sa aking isipan, mainit na sabaw na siyang papawi ng ginaw ng aking katawan. Isang sopas na kakaiba sa dati na nating nakagawian, tinawag ko itong SOPASARAP. Ang mga sangkap na aking SOPASARAP ay Spam Lite (aking nakita sa aming cabinet) broccoli, spinach at button mushrooms (na aking binili sa supermarket), konting pepper at asin pampalasa. Talaga namang kakaibang lakas ang dulot ng aking sopas hhhmmmm....

0 comments:

  © Blogger template Joy by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP